Sa ating mga butihing panauhin ngayong umaga, una sa ating kagalang-galang na Senador Emmanuel “Pacman”Dapidran Pacquiao, Hon. Congressman Ruel Dapidran Pacquaio, Hon. Governor Steve Chiongbian Solon, Hon. Vice Governor Elmer D. De Peralta, Provincial Board Members, Honorable MCTC AND RTC Judges and company, Municipal Mayors of the different municipalities, HonVice-Mayor Ronnel Saldua Español, Sangguniang Bayan Members, mga Punong Barangays and councils, sa lahat ng appointive at elective officials, mga kawani ng gobyerno, Civil Society Organizations,  Non-Government Organizations, Religious Organizations, mga minamahal kong guro at punong guro mga estudyante at mga magulang, sa ating mga bisita na nagpa-unlak ng ating imbitasyon mula sa  National Government Agencies, Banking Institutions, Purok Officials sa lahat po ng naririto isang napakagandang araw po sa ating lahat. SMILE Alabel!

SMILE ALABEL – Tatlong taon ko na pong isinisigaw ang mga katagang ito mula ng ako’y pinili nyong maglingkod sa mahal nating bayan bilang Alkalde taong 2016, sa aking unang termino. SMILE-Serbisyong Matinud-anon Integridad Lauman Epektibo para sa Alabel, mga salitang nagbibigay direksyon sa atin upang makapaghatid ng mga epektibong serbisyo dyan mismo sa pintuan ng ating mga tahanan na tumutulong upang matugunan ang ating mga pangunahing pangangailangan. Habang ginagawa natin ito, pinagsisikapan nating may sinseridad  at mananatili ang integridad ng mga taong pinagkatiwalaan ng taong-bayan na mamahala sa lokal na pamahalaan dito sa bayan ng Alabel.

Sa muli, pinalad tayo, sampu ng aking LGU family na mapatuloy ang ating serbisyo sa pamamagitan ng tiwala at suporta ng ating mga kababayan. Muli kaming humihingi ng  kooperasyon sa sambayanan, ang mga serbisyong gusto nating ipaabot sa lahat ay hindi namin magagawa kung wala kayo. Hiling natin ang mag kapit bisig tayong lahat tungo sa ating kaunlaran. Sa kabila ng mga balakid na ating mararanasan, huwag tayong mawalan ng pag asa. Kaya natin ito kung tayoy magka hawak kamay. Sa ating mga partners at katuwang , National Government Agencies, Provincial Government, Men in Uniform, Business Sector, Non-Government Organizations, People’s organizations, Civil Society Organizations, Academe, taos-puso naming pasasalamat sa patuloy ninyong suporta sa mga programa at proyekto tungo sa ikauunlad ng Alabel.

Nais ko ring ipaalam sa lahat na handa naming gampanan, sa abot ng aming makakaya na ipagpatuloy ang ating naumpisahan na mga proyekto tulad ng imprastraktura, Peace and Order initiatives, agricultural development projects, health and development programs, Manpower Development through the sincere and quality services of the academe sector, continued innovation through the assistance of NGO’s, PO’s , and CSO Partners. Ipagpatuloy natin at higit pang ipalawak ang ating ugnayan sa business sector na syang maging susi at batayan ng ating economic status.

Inspite of the prevailing issues we are faced today, we will still encourage investors to come in Alabel. This can be one of the factors to boost our economy and would lead to our dreamt cityhood.

Kung maaalala nyo, ini-latag ko sa aking inaugural address 2016 ang aking mga programa at proyektong gustong ipatupad tulad ng:

  • access to safe and potable water na syang ating pangunahing pangangailangan;
  • Zero Collection Policy sa Paaralan mula kinder hanggang sekundarya;
  • Serbisyong SMILE sa Barangay na maghahatid ng ibat ibang serbisyo sa komunidad sa tulong ng ibat ibang departamento at ahensya;
  • Construction of 4-storey municipal hall building;
  • Livelihood and employment;
  • Farm to market roads;
  • Replication of 911 in response to emergency and disaster-related operations;
  • Environmental Conservation and Protection;

Awards and incentivizing of our government employees that will encourage our workforce in the municipal government to perform better;

Lahat ng ito ay atin ng naisakatuparan at naniniwala akong may mas magagawa pa tayo para sa ikabubuti ng bawat sector. Mga minamahal kong kababayan, malapit na nating makamtan ang hinahangad na tagumpay.

Sa muli, sabay-sabay po nating harapin ang mga bagong pagsubok at taas-noo nating ipaglalaban ang karapatan ng bawat isa bilang Pilipino, karapatang mabuhay ng mapayapa, masagana at maligaya. Manalig po tayo sa Poong Maykapal. Kaya natin to.

Ito po si Mayor Nonoy Salarda, nagsasabing, tuloy ang laban basta’t naka SMILE lang. Maraming salamat po.